“Ang mga babae, madaldal/mabunganga.” Oo, wala talagang tigil
ang bibig nila sa pag-rachada sa kakasalita. Lalo na sa tuwing pinapaalala nila
sayo na oras na para inumin ang iyong gamot, kapag nagtatanung sila kung kumain
ka na ba, kapag ginising ka nila sa umaga upang hindi ma-late at sa m
ga pagkakataon na nag-aalala sila sayo at
tinatanung kung nasaan ka na at bakit hindi ka
pa umuuwi. Walang duda, madaldal nga. Hayaan mo na, balang araw, siguro
magbabago din sila. Tipong maririnig mo lang ee “Oo”, “Hinde” at “Pwede”. Para
kayong naglalaro ng Pinoy Henyo. Romantic siguro ng buhay nyo nun. “Ang mga
babae, mashadong sentimental.” Sinabi mo pa. Tandang tanda nga nila ang petsa
at lugar kung saan kayo unang nag-date, isinulat niya din sa kanyang diary kung
ano ang mga ginawa ninyo, nakatago at ingat na ingat siya sa mga larawan nyong
dalawa, daig pa niya ang Smithsonian sa pag-aalaga ng mga iniregalo mo at kahit
kailan hindi niya nalilimutan ang mga importanteng okasyon tulad ng
anniversary, monthsary, weeksary o birthday mo. Nakaka-inis ba? Ok lang yan,
malay mo next time, hindi na siya ganun. Tipong i-aasa na lang niya sa Facebook
ang iyong kaarawan. Tapos tamang post na lang sa wall mo ng “hapi bday”. “Ang
mga babae, emosyonal.” They cry about movies. They get teary with a romantic
novel. They blush and gasp upon seeing a picture of a cute dog or a cuddly
baby. Bakit ba ganun sila? Buti na lang tayo hindi. Kinikimkim lang naten lahat
ng emosyon sa loob hanggang sa sumabog at atakihin sa puso o di naman kaya ee
magpapakalasingtapos magwawala at maghahamon ng wrestling. Di ba mas logical
un? Madalas pa mag-imagine na ikakasal kayo sa simbahan. Lagi nag a-iloveyou,
imissyou, take care at mwah mwah sa text. Asar ka na ba at nacocornyhan? Ayos
lang yan. Darating din siguro ang time na titigil siya at isesend ang mga yun
sa iba. Women are probably the greatest gift to men, from God, beside beer and
sizzling sisig. At para sken, women deserve all advantages, lalo na sa
pag-ibig. Sana lahat ng babae ay maging masaya ang lovelife. Sana, walang
babaeng heart-broken, kasi, tayong mga lalake, we’re meant to pursue them and
it’s okay if we fail from time to time. It’s the way nature intended it. Gaya
ng isang leon sa usa o pag-ikot ng earth sa paligid ng araw. Mas okay kung tayo
na lang ung masasaktan. Ee sila? Isipin mo, nagkakaroon sila ng “dalaw” at
nababaliw kada buwan, nabubuntis at nahihirapan ng 9 months, at pinaka matindi
sa lahat, kailangan pa nilang panatilihing makinis at walang buhok ang kanilang
mga kili-kili. Ano ba namang pasayahin sila at gawing “scar-free” ang kanilang
buhay pag-ibig. And if you are with a great gal, do everything to make her
happy. Don’t ever break her heart. Wag kang magpa-uto sa mga statistics, na
nagsasabing, mas marami ang babae sa lalake, kaya okay lang mang-chiks. Ano pa
bang gusto mo? Hindi pa ba sapat na minahal ka niya sa kabila ng iyong pagiging
engot at kawalan ng Romantic DNA sa katawan? Malaki man ang papolasyon nila sa
mundo, napaka-liit ng tsansang makakilala ka ulet ng katulad niya na
magtya-tyaga sayo. Tandaan, pansamantala ka mang maakit ng naglalakihang pulang
high-heels o maaarteng makintab na sandals, mas masarap pa ring umuwe sa
nag-iisang tsinelas ng buhay mo.